Wednesday, October 3, 2007

laya,malay,kamalayan

nakakatawa na ako mismo ay pinayagan ang sarili na makulong sa mga nais ng mundo sa mga dapat sa mga nararapat sa mga tinaguriang tama, na sa aking kamalayan naman ay alam ko ang totoo at pinagdasal ko pa na manatili sa katotohoanan at ngayon ang realidad na sinanay sa sarili ay mismong nawawala; ang higpit ng hawak dati ay nawala. ano na ba ang nangyari sa akin na pinabayaan ko mangyari ang ganito. na ang mismong kaluluwa ay pinabayaang magpadaloy sa mga bagay bagay na sa totoo lang naman, ay hindi nakaugat sa aking kinamulatan. ang kinalakhan ay patunay kung sino ako at ako ay inaalon. inaalon sa mga bagay na di dapat alunin. nakakatawa, nakalulungkot na sa katandaang ito ay muli, parang dati ay nawala nanaman ako. tawag ng daloy ng dugo? baka nga, pero sa ngayon ang lahat ng nakapaligid sa akin ay nagsusumigaw na, "Hoy, parang kailan lang ay kilala mo ang sarili mo!" at hindi ka pwede magkunwari na hindi mo sila naririnig; kung gawin mo ito ay talaga kang mapagkakamalan na hipokrito, putang hipokrito ito. may bakas na nga ng pagkahipokrito ang iyong pagkatao; nagpadala ka, oo. pero kapag hindi mo sial pakinggan, siguraduhin mo na ang kunsyensiya mo mismo ang papatay sa kaluluwa mo. panigurado yan edralin.

No comments: