Monday, October 8, 2007
Wala lang. After finals isip
Kanina tinanong ko ang sarili ko kung itong tinatahak kong landas ay nakapabuhay sa akin. Masasabi na oo, buhay nga ako, mas hindi sabog. Pero iniisip ko rin na kung nabuhay ako na parang walang bukas, baka may pinatunguhan din. Kasi yung mga taong nagpapakasaya, parang ok naman sila. Paminsan naiisip ko na baka kung may gusto talaga ang mundo para sa iyo, hahanapin ka talaga nung tandhana mong iyon. Hindi ko alam kung tama lang itong pag-iisip na sinusubukan kong mag-ayos, paminsan parang wala namang dinadatnan. Hay nako biglang nag-pop ang Walang Kadaladala sa aking isipan. Jusmeh, parang henerasyon ko at ako nakalutang. Gusto ko na magising sa panaginip na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment