Wednesday, November 21, 2007

May punto lahat tumatakbo

Kala mo madrama noh? Hindi. Kanina lang nagbububusina yung trak ng basura sa harap namin. Nagsisisigaw kapatid ko, "Basura, basura!", at nagtatatakbo pababa ng hagdaan, parang baliw. Hudyat ito na ako rin ay tumakbo pababa. Sinigaw ko, "Paalis na ba?!" Sabi niya,"Nasa harap pa ng bahay! Bilis!"

May tatlong plastik ng basura sa kusina, inabot ko ang dalawang supot sa kanya at sabi, "Mauna ka na! Susunod ako!" habang kinukuha ang naguumapaw na plastik ng basura na mas mayor sa ibang plastik bag; siya yung nakapasok sa basurahan, pero dahil sa pagkamayor niya ay siya rin yung mahirap na tanggalin sa basurahan. Halos sabay na kami tumakbo papalabas ng bahay nang nakita ko ang boypren niya, tila'y huli na, nagtatatakbo pababa ng hagdanan, sumusunod samin palabas ng bahay. Nagawa ng ate ko! Nabigay niya ang unang dalawang supot, at naabutan ko ang basurero at inabot sa kanya ang huling supot.

Putek laftrip! May punto talaga na lahat tumatakbo. Patakbo-takbo pa boypren ng kapatid ko wala namang dala! wahahha Parang ang saya lahat na-hectic.

No comments: