Wednesday, February 6, 2008

Bare hands

Sa pagsakay ng behikulong nakakabagot,
Nakakainis, "...kaliwa, kanan, kaliwang-kaliwa, kuya."
Wala namang patutunguhan
Eh kung reypin kaya ang gift wrapper na
Aking ginawang balot sa aking budhi

Sulyap, ubos na ubos na, malapit na sa upos
Abo, ubo, tingin sa ibang direksyon
Lunod sa ibang matitingnan, maamoy, basta!
Magagawa
Mapagdidiskitahan ng layo, ng kanyang pagtatanto

Ngiti, biro, biro pa ng konti,
Sige, tagay mo pa yang pwedeng magpamanhid sayo
Tagay mo pa, sana isama mo naman ako sa iyong pagtagay
Sa pag-angat mo sa ulap, sa iyong pag-aalma
Sa buhay na dinadanas, o kaya naman pinipiglasan

Pag-uwi ng bahay kalembangin ang mga pwedeng kalampagin
Buhusin ang pagiging likido mo sa ibang bagay
Kung hindi man sumagot
Hindi man sumulyap
Nabuhos naman ang kaluluwa

No comments: