Saturday, April 19, 2008
May iba nanaman ako nararamdaman kapag bumabalik sa maynila. Parang hindi ko mahawakan ang mga tao na nakakasalamuha ko. Gusto ko na bumitaw kasi hindi ako natutuwa sa kinagagalawan ko, pero ika nga naman ni mama walang mangyayari kung hindi maghihirap at magsisimula sa maliit. Pero sa panahong ito, kahit mga taong dapat malapit sa puso ko hindi ko makunan ng inspirasyon na maging magaling, mas lalo ko pang nararamdaman na walang kwenta ako at hindi ko alam kung bakit. Ayoko na sumunod sa kahit anong sabihin nila at ayaw ko na sumagot sa bawat tanong o obserbasyon. Hindi ko alam kung ngayon lang ako naapektohan sa mga pangyayari pero parang may nawawala, at ang malabo dito, parang ayaw ko pa hawakan ng mas mahigpit ang mga tinuturing malapit sa akin. Gusto ko munang mapag-isa, at hindi ko din naman kasi makunan ng katotohanan sila. Ewan ko lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment