Sa aking palagay, ngayon lang talaga ako namulat sa konsepto ng pagbantay sa sarili. Masasabi ko na mahihirapan ako ngayon, pero masasabi ko rin na lahat ay pinagsikapan ko simula't sapul. Ngayon na tinitingnan ko ang aking mga kontemporaryo ay nalulungkot ako kasi hindi nila kailangan umintindi ng madalian. Kumbaga, ang pagiintindi ay unti-unting papasok sa kanilang kamalayan nang hindi nila namamalayan.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot sa sitwasyon ko ngayon. Kanina ay malungkot, habang kumakain ng sopas na dinagdagan lang ng mainit na tubig. Pero naisip ko, kung matatagalan ko ito hanggang abril sa susunod na taon ay masasabi ko na *&^%&^( niyo lahat, kinaya ko 'to, kakayanin ko kahit ano.
Kaya naman pumasok din ang mga plano ko sa buhay sa paglipas ng Hunyo. Nang nalaman ko na pupuntang Hawaii si Gel Chan, naisip ko, 'di hamak na mas may kabuluhan ang pagpunta ko doon. Pupunta talaga ako dun.
Kulang nalang ang mga rekomendasyon. At ang pasaporte. Pero ang iba, tuloy-tuloy na. Sana talaga may mangyari nang bago sa buhay ko. Nakakapagod din pala maghintay ng pagbabago.
Sa mga nakalipas na araw, lahat ng pinag-gagawa ko ay on-the-go. On-the-go showers, on-the-go trips, on-the-go sopas. Nakakatawa, parang hindi tumitigil ang panahon. Parang tuloy-tuloy lang ang kamalayan.
Siguro iyon din naman ang kulang nang nakatira pa ako sa kanila; komportable na akong hindi maging malay. Mahirap 'din kung tutuusin.
No comments:
Post a Comment