kasama ko si pulan kanina, dinner at frap na dessert. sa puntong nagffrap kami, masaya. tapos medyo nagdownhill nung napagtanto ko na shet, may mga nawawalang mga relasyon sa kamalayan ko ngayon. hmm.
bago kami magdinner ay bumili kami ng mga abubot sa national. bumili ako ng planner, at nang pinagpipilian ko ang dalawa, pinili ko ang kulay berde (para envi, maalala ko), mas makapal (para mas maraming sulatan) at mas serious-looking (para GO FOR THE GOLD).
pero napag-isip ako sa aking pag-uwi. pinahihirapan ko ba ang sarili ko? baka isa talaga akong malaking minus sign.
inisip ko ng mabilis kung anu-ano ang mga magpapaatat sa akin. guimaras, dive sa anilao, bisita sa surigao, makuha ng MA, magsimula ng yoga. ok naman, pero pag may pinipilit na sitwasyon, may mga nasasaktan.
so ngayon, gusto ko nalang mag-isa. para walang masaktan. pero pwede pa rin ako sa sariling la-la lang.
No comments:
Post a Comment