Tuesday, November 6, 2007
Paminsan talaga
Ito nanaman ako. Paminsan talaga gusto ko kumawala sa mga nangyayari kahit wala naman talagang masamang nangyayari, parang lumiliit ang mundo na nakakasuka at nakakahilo na. Maghahanap ka talaga ng totoo sa babasahin sa papanoorin sa mga pag-uusap at mga pananaw ng ibang tao pero hindi ka talaga lubusang magiging ewan. Kaya paminsan pipiliin mo nalang maging malabo ang pagtingin at pagkaintindi sa mga bagay-bagay, para kumbaga dinaanan ka lang, kasi kung hindi ka amat, parang dadaplis sayo pero masusugatan ka. Papagpagin mo nalang ang pantalon at maglalakad muli hanggang sa makahanap ng bagong pwedeng pagkadapaan. Nakaktawa at parang nakakita ako ng taong napuputa sa mundo ng madalas-dalas, parang nakita ko sarili ko, tapos medyo nakakapagod. Tapos inisip ko baka nakakapagod tong ginagawa ko, pero inisip ko na rin na hindi naman ako napapagod sa ginagawa ko kundi sa nangyayari. So don't expect me to be apologetic. Hahahahaha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment