Tuesday, March 4, 2008

Lahat talaga may punto

GERA
Sa halabira na nangyayari sa ngayon, malalaman mo na ang lahat talaga ay may punto. Yung nakakatawa lang talaga, may mga panahon na hndi mo na nakikilala ang mga kausap mong tao. Nagiging halimaw sa harap mo. Yung nakakabagot pa ay yung mga galit na matagal na nakatago, parang nabubulok sa isipan. Pag nilabas, nagiging isang malaking kaputahan. Mayroong mga bagong pangyayari, at mayroong bagong mga kalinawan. Pero meron din talagang mga bulok, bulok, bulok na kalechehan. Putangina. Note to self: Gumera kung kailangan. Pero, gumera sa tamang lugar. Kung hindi tamang lugar at hindi pantay-pantay na karapatan, putangina, piliting siksikin ang diplomasya.

RESPETO
Yan naman ata ang tema sa buhay na kailangan panindigan ng tao. Resperto sa tao, sa gamit, sa pagiging indibidwal. At ang paglalaban sa bawat karapatan ay magkakaroon din ng mga susunod na epekto. Mayroon ding karapatan na matatapakan. Hindi lahat matutuwa sa desisyon mo, pero putang ina, respeto din sa desisyon ng karamihan. Yun naman yata ang esensya ng demokrasya.

IDEALISTIKO
Sa aking palagay, ang kulang sa putanginang mundo ay ang pagiging idealistiko. Kasi kung bumaba na yon, wala ng standard. Putek, kaya nga may mga hinahangaan tayong tao at kinamumuhian. Kasi may mga magagandang bagay na gusto mo gayahin at patunayang kayang gawing katotohanan. Kaya putangina, pag tinira ang pagiging idealistiko, tangina. Tingnan mo nalang kung saan ka pupulutin. Yun naman talaga ang kundisyon ng humanidades, patunayan na kayang maging malapit sa idealistiko ang mundong puno ng kaputahan.

IDEALISTIKO: RESPETO PAGKATAPOS GUMERA
Tama ka kaibigan, nang sinabi mo na kahit may gera, pagkatapos ng duguan na labanan, ang
gusto mo maranasan ay makainuman pa rin ang mga sinampal sampal mo sa labanan. Pero ewan ko, baka idealistiko lang itong mga sinasabi ko.

1 comment:

Mansy Abesamis said...

minsan, nakakatakot ang mga taong nakikitang kasalanan ang pagiging idealistiko.