Friday, February 29, 2008

Rally dito, rally dun

Kasama ko kanina nanay ko nagrally sa paseo. Tapos andun yung mga tito ko na kinalakihan ko na rin. Yung asawa ng tito ko, bata-bata pa, mga 28. Kami yung magkausap kasi kami yung medyo magka-vibe. Kumabaga, pareho kaming galit sa konyo. Haha. :D Laftrip siya, tinatawag niyang garrison yung St. Scho kasi nagbabalatkayong tibak, eh pag dating naman sa pagturo sa mga bata konserbatibo pa rin. Kaya umalis siya. Para siyang yung pinoy version ni Julia Roberts sa isang sine na sinusubukang palawakin isip nung mga tinuturuan niyo, pero nakalaban yung administrasyon ng skwelahan. Kahit paminsan mukhang uber tibak niya, nakakatuwa kasi meron pa ring taong marunong umalma. Kwento ng nanay ko na nakita niya si Teddy Casino kanina. PUTEKKKK!!! Kung andun ako at nakita ko siya, magpapapicture ako sa tabi niya pramis! Tapos, may bigla nalang tumapik sa akin yun pala si Rissa Jopson. Nakakatuwa! :D

No comments: