Monday, May 19, 2008
Underwater Cinematographer
Nakakaadik tong Underwater Cinematographer na album ng The Most Serene Republic. Shit medyo naguguluhan ako sa gagawin ko after college, tamang nostalgia lang binibigay sa akin ng mga kanta dito, kasi parang naalala ko na gusto ko talaga tumungo sa dagat. Pero hindi ko mapiglasan yung pangangailangan na matuwa sa akin ang mundo. Sabi ng nanay ko kagabi na lagi ko daw iniisip yung gusto ng iba na hindi ko nabibigyang panahon tingnan yung gusto ko talaga. Tapos kagabi minail na ako ni Sir Leland kung ano na gusto ko gawin after college. The reality is sinking in. Sa totoo lang, gusto ko sumali ng mga projects on the environment pero gusto ko talaga makapasok ng UNDP. Sabi ni Tita Rencee, magmasters daw muna ako tapos magdirect application sa UN. Shemay. Kakapalan ko na mukha ko. Kailangan ko din bumitaw sa mga ibang bagay para mahanap talaga sarili ko. Ang tagal ko na ito pinag-iisipan pero hindi ko mahanap sarili ko. Yung alam ko lang na sigurado ay hindi ko ata hiwalayin ang dagat at ang mga gagawin ko sa buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment