Monday, September 15, 2008

Tinawag ako ni Tolentino at Pinaharap sa Mahiwagang Salamin

Kanina sa kalse ay pinaguusapan namin si Marcel at ang kanyang ideya ng pagkakahawig ng pananampalataya at pag-asa. Ipinaliwanag niya na ang pag-asa ay nakabuo sa pagsabi ng, "Inaasahan Kita", na mayroong patungkol sa dalawang nilalang na nagbibigay ng isang daang porsyento sa isa't-isa. Pinasok niya rin dito ang salitang tapat, kung saan ito ang kilos ng isang relasyon. Umiikot ang mga konsepto sa ulo ko, at dahil maaga ang klase (7:30) at medyo kulang ako sa tulog, inaantok pa ako at hindi kayang bigyang paliwanag ang sarili ko. Tinawag ako ni Sir Roy, at kahit na paos siya dahil sa Philosophy Convention ay parang umalingawngaw ang malaki niyang boses sa pandinig ko. Tinanong niya, "MON, IKAW, TAPAT KA BA?" At noon ay parang sinampal ako ng malupit sa mukha at muli akong nabalik sa aking kinauupuan.

Para gawing maikli ang kwento, hindi ko nasagot maayos ang tanong. At sa tingin ko, hindi ko pa din ayos ang aking katapatan sa mga tao. Kaya nalungkot ako, kasi ang mali talaga ng tayming ng mga bagay-bagay :(

No comments: