Minsan may nag-sabi sa akin, " 'Yan ka nanaman sa mga prinsipyo mo, eh." Nung panahon na 'yon, natawa ako. Kasi joke-time lang naman yung nangyayari nun.
Iba pala talaga pag prinsipyo na yung nakataya, mahahanap mo nalang ang sarili mo sa sitwasyon na walang kaibi-kaibigan.
At para gamitin ang term ng isa kong kaibigan, ayoko maging isang "war-monger". Madalas nagtitimpi ako na magsabi ng mga bagay-bagay dahil hindi ko gusto manggulo, pero may mga bagay talaga na hindi ko kaya palalampasin. Aminado akong gago ako sa ibang bagay sa buhay na ito, pero kung may dadaplis sa mga paniniwalang pinaligid ko sa sarili ko mula pa lang nang nagkamalay ako, putang ina, giyera na talaga.
Sabi nila na kapag sinabi mo ang isang salita ay lumilikha ka na ibang klaseng mahika sa realidad na nakapalibot sa iyo. Maraming bagay na nangyayari sa mundo dahil sa isang mungkahi, mga pagbabago, mga magagandang bagay. Buti nalang kung may magsabi. Marami namang kaputahan na nagyayari dahil sa matulis na tunog ng katahimikan.
Kung papipiliin ako kung tatahimik na lamang at papabayaan pumutok ang ugat ko sa ulong naguumapaw sa dugo, o kung pipitik nalang ako at magsasalita, pipiliin kong pumitik pagkatao ko at umalma. Mabuting buhay keysa nagbubuhay-buhayan.
Ayos sa akin na matagpuan na nakahandusay, pumitik na ang pagkatao, bukas ang mata at stragel muling kumilos keysa mawalan ng paniniwala at pagtiwala sa mga bagay.
1 comment:
sabi nga nila, kung walang pag mamahal, walang rebolusyon.
putek, sapul!
Post a Comment