Ang sakit ng left side ng mukha ko, barado ilong ko. Takte, kanina pa ako tulog ng tulog para gumaan pakiramdam ko, sumasakit naman ulo ko. Pag umuubo ako parang gusto lumabas ng mga baga ko letse anubayan. Walang mapag-usapan ngayon, ang blanko ng nararamdaman ko. Parang ayaw ko gumawa ng kahit ano kasi walang magagawa. Kanina pa ako akyat-baba ng bahay, parang walang interesanteng gawin. Kahit yung mga pinakanakakakilig na libro ay masarap itapon sa bintana. Hehe, di naman. Masarap lang itabi. Tapos ang bigat ng buhok ko, parang ang sarap magpakalbo. Tangina talaga kasalanan to ng nasal congestion eh. Tapos yung init parang kakaiba, parang microwave yung dating yung tipong alam mong masamang init siya.
Kahapon sa wedding ng aking pinsan, nakita ko si Japog! WAH! Ate niya pala yung kakasal sa pinsan ko. Laftrip. Tapos ang dami pang nakakagulat nalaman. Mapapaisip ka talaga sa buhay. Isang pagkakamali, madaming epekto.
No comments:
Post a Comment