Sunday, December 23, 2007

What has transpired over the past weeks

Skilty Labastilla grabe, nawa'y maawa ka sa mga estudyante ng research methods. Ang dami-daming nangyari nung mga nakaraang linggo, at ang masasabi ko lang, skilty, hanep ka talaga!!!!!!!!!!!! Prepare for battle spartans! Next year, walang kaibikaibigan kasi gegerahin na ang akademya. Pusa. Hindi ko magawang maging totally relaxed kasi alam ko may lumilinger na mga kashiznetan haha wala yatang araw na walang papasa, test, report, etc. Pero ayus lang good, good, sige Ateneo hasain mo lang ang aming mental stability at stress and pressure level grabe skilty ang galing mo talaga hanep! Sputnik raks moltov!

Anyway.

Dati naisip ko na ako yung tipong mag-aayos ng mga bagay-bagay para guluhin lamang ulit, tulad ng pag-aayos ko ng drawer na may laman ng damit tapos pag hektik na ay maghihihila lang ng damit at aalis ng bahay. Ganun yata talaga ang mundong gagalawan ko, pero kailangan mag-hasa ng sarili pagdating sa mga sitwasyon na kailangan consistently maging medyo alerto. Eto nanaman ako para pangaralan ang sarili ko. hehe

Masaya ako ngayon. Ok kami ng pamilya ko, ok ako sa sarili ko, hindi na ako masyado nag-eexpect sa mga tao at sa sarili, hindi sa complacent sense pero sa hinay-lang-iha sense. Kasi sa totoo lang, at totoo nga naman, nakuha ko sa kaibigan ko, na wala namang utang sa iyo ang mundo. Kaya pagdating sa flexi-time, putek, ikaw na magadjust.

Ang saya na madaming walang alam. Parang bawat araw may makukutkot putek hahahaha. :D

No comments: