Magbubukas ako ng bintana bukas, para saan? Di ko rin alam, delikado 'to, pero gagawin ko, hindo dahil naiinis ako, pero dahil gusto ko naman makaramdam ng ibang emosyon! Sawa na akong tumungo sa mga bagay na hindi gawa ng daloy pero bugso ng kamay. Eksperimento? Oo, nababaliw na nga siguro ako, pero okey lang, ganyan naman talaga ang pinanggalingan ko. Kung kaya't ako'y tatawa bukas at sana naman may sakit na pumiglas dyan, kahit saan.
No comments:
Post a Comment