Oh well, oh well.
Bago ko gahasain ang tesis ko, kumbaga, gawaing revision (sa ika labing-isang pagkakataon), ako muna ay magbblog.
Wala namang nagsabi na madali ang buhay, o na may utang ang buhay sa tao. At sa totoo lang, ang mga taong mahina ang loob ay ang may kasalanan sa lahat ng nangyayari sa kanila. Kapag divisoria ang tambayan mo, siguradong 'dun ka din pupulutin. Sa mga araw na ito, kakailanganin ko na maghanap ng bagay na gusto ko at gugustuhin ako. Siguro napapanahon na rin na mag-isip na ako kung ano makapagpapasaya sa akin kasi hindi ako nag-isip ng matagal na panahon (tinago ko sa mga responsibilidad).
Masaya din pala ang mundo kapag sinusubukan mo siyang kilalanin. Hindi matatarok sa iisang daplis, maraming iba't-ibang tinik kailangan ay namnamin.
No comments:
Post a Comment