Tuesday, October 23, 2007

Greenwich Village

Shit, sa mga twilight zones ko gusto ko talaga tumira sa Greenwich Village. Ito talagang panahong ito, 2 am to 4 am. Yung tipong pwede ko na isuko lahat sa tadhana, gawin ang kahit ano para tumira dun. At alam ko hindi mangyayari, haha. Pero ang sarap mag-imagine, kaya pag may lugar na sagada, oh my gulay,chocolate kiss, dumaguete city at cubao expo parang kinikilig ako ng todo na hindi ko mapigilan sarili ko. parang yung nerve endings ko nagkakailaw at sumasabay ang bukas-patay sa tonong masaya. Tapos nakangiti ako, mukhang gaga, tanga. at siguro parang ewan tong pangarap ko pero gusto ko talaga magkaroon ng cafe sa tagaytay na may ganung vibe. parang pag sinabihan ka ng isang tao, THINK FAST! ANO PANGANRAP MO SA BUHAY? Yun talaga sasagutin ko. Or magkaroon ng malaking warehouse/studio type na lugar sa cubao tapos whatever goes. ang hipokrito ng dating eh no, pero kunghindi iisipin ang pamilya, ang convictions, o anuman, kumbaga kung may avocation ako that's it. siguro sembreak kaya na eentertain ko tong thoughts na ito. paminsan iniisip ko na magempake ng bagahe at tumira ng dumaguete at mag-aral dun. ang labo noh? twighlight zone kasi! tonooonoonoo toonoonoonoo

2 comments:

Mansy Abesamis said...

I'll support you mona! Pakainin mo ako sa bahay mo!

blackparty said...

ye men! il be a cheese conyo-sure by then! lutuan kita ng gourmet ('di na daga!)